Wednesday, January 17, 2007

Ang Pagsasayaw...

This was posted in my Friendster blog (http://spidey_addict12.blogs.friendster.com). I keep asking myself kasi; why I give everything, my whole self and heart,to someone I got really close with? Kahit sa friend o sa lover, I'm always like this, ending up hurt and depressed. And the depression make me do crazy things. This is one of the crazy things i did because of that feeling.

Frustrated writer ako. Bakit frustrated? Kasi di talaga ako nakakapagsulat ng ordinaryong araw. Alam mo naman siguro ang mga writers kahit anong araw at weather nakakapagsulat pero ako toyoin. Minsan akong nakapagsulat ng short stories dahil sa sawi ako sa pag-ibig (love story ang theme), minsan naman eh suspense (sa textmate ang kwento), minsan naman eh poems dahil masama ang loob ko sa kaibigan ko and sa love din. Nakapagcompose ng kanta para sa minamahal. Mga ganun. Pero eto sa isa sa mga pinakapaborito ko mga nasulat ko. Ewan ko kung anong tawag dito kung story or essay or something. Basta free writing!
Ang kuwento naman nito, sawi sa pag-ibig. Ako! Medyo mababaw pero sa chat lang kami nagkakilala (nagchachat na ko nung mIRC palang kaya wag mag-isip ng iba ang mga nagbabasa), pero sa phone lang kami nag-uusap. Matagal din kami magkakilala, siguro halos 1 year din. Mabait naman siya and sweet (lam nyo un ung mga tipong, "Kumain ka na ba?", "Wag ka masyadong magpakapagod.", "TCCIC."). Dahil dun kaya nahulog ang loob ko sa kanya at dahil dun din kaya ko inakalang kahit papano ay may nararamdaman sya para sa kin (kahit papano talaga eh no!). Nakakatuwa man isipin pero sinabi ko sa kanya na nililigawan ko na siya and hindi siya nagsabi ng "Wag mo nang ituloy kasi wala talaga." o "Great, actually mahal din kita". Tuloy lang ako, text, chat, phone lahat-lahat then one time nagplano ng eyeball at sya ang nagplano nun. Napakaexcited ko nun (nga pala, kilala ko na mukha nya sa pic). As in the day before the eyebell nagusap pa kami kung ano mga gagawin namin: na maaga daw kami magkita para buong araw kami magkasama, dadalhin nya daw ako dun sa favorite nya na restaurant and stuffs. Then ung araw na, bago ako umalis ng bahay, tinawagan ko siya. Unattended and number nya pero tumuloy pa rin ako. Naghintay ako sa wala. Dumiretso sa kaibigan para maglabas ng sama ng loob, then try ko uling tawagan then nagbigay ng reason (naniniwala pa rin ako sa reason nya hanggang ngayon). Then pag-uwi ko sa amin, nakatanggap ako ng text galing sa kanya na sabing maghanap na lang daw ako ng iba. Lam nyo un na di raw sya worth para sa kin and sayang lang daw time ko. SHIT! Para akong sinakluban ng langit at lupa. Isang buwan din akong nagmukmok at nalungkot dun at habang nagdadalamhati ako ay nabuo ko itong "ANG PAGSASAYAW SA PINAKAMIMITHING TALA SA SALIW NG MUSIKA NG KALAWAKAN". Syempre gawa ko to kaya nasabi kong maganda pero maraming nakapagbasa at majority naman sa kanila sabi maganda, may nanghingi ng kopya, nagpapasa sa internet.
Sana magustuhan nyo siya! You will learn something from it. Pagtyagaan na din kasi medyo mahaba!

Ang Pagsayaw sa Pinakamimithing Tala sa Saliw ng Musika ng Kalawakan
ni busted_geek12 (pang-teenager na pen name)

Minsan kang naglalakad sa dilim ng karimlan, blangko ang utak na parang robot na pilit binubuhay ng kapiranggot na kuryenteng dumadaloy galing sa nabubulok na baterya. May kung anong pwersa ang tumulak sa iyo pang tumingin sa kalangitan at may nakita kang bumuhay sa naghihingalong apoy sa iyong kalooban. Isang tala, nagniningning ng kakaiba sa mga ibang tala sa kalawakan, tila nagpapapansin upang manakaw ang iyong atensyon. Dahil sa angking kaakitan, ay pinangarap mong maabot at maangkin siya. Walang gabing hindi mo sinusulyapan ang kutitap nitong lalong gumaganda sa pagdaan ng mga araw. Ilang beses mo ring napanaginipang sumasayaw kasama siya sa saliw ng musika ng kalawakan.
Isang gabi, napanaginipan mong inaabot mo ang iyong tala sa pinakamataas na bundok ng iyong pangarap. Hindi pa rin sapat ang taas nito upang maabot siya. Sa iyong pagkagulat, unti-unting lumiliwanag ito, napansin mong ito’y bumaba at lumalapit sa iyong direksyon. Sa kanyang paglapit, lalo kang namangha sa kanyang karikitan. Inabot niya ang kamay mo at sinabing, “Sumama ka sa akin at tayo’y sumayaw sa aking mundo.” Dahan-dahang ka niyang inangat. Mahigpit ang paghawak mo sa kanya, dama mo ang hirap ng paglalakbay sa mataas na mundong kanyang kinabibilangan ngunit hindi mo ito alintana. Ang galak ay namutawi sa iyong kalooban. Pagdating doon ay umapaw sa iyong tenga sa ganda ng musika ng kalawakan. Kakaiba ito sa musika sa ibaba ngunit ang tunog nito’y humihila sa iyo upang igalaw ang iyong katawan. “Magsayaw tayo”, ang malambing niyang sabi. Mahigpit mo siyang niyakap at sumayaw sa saliw ng musika ng kalawakan. Ang tuwang iyong nadarama ay umaapaw sa iyong damdamin. Kahit sarili mo’y hindi maipaliwanag ito ngunit hindi mo ito iniintindi, ang mahalaga ay kasama mo ang iyong pinakamimithing tala. Ayaw mo nang magising sa pangarap na ito. Ilang sandali pa’y napansin mong nagsisilapit ang ibang tala sa inyo. Taglay din nila ang kagandahang ng isang tala. Hinawakan ka nila at pilit nilang inilalayo sa iyo ang talang nagbibigay sa iyo nang kaligayahan. Nanlaban ka ngunit higpit-hawak nilang sinabing “Hindi ka nararapat dito, hindi ka pwedeng mabuhay sa mundong ginagalawan namin.” Sa iyong pagpupumiglas, nasulyapan mo ang mundo sa ibaba, ang mga taong malapit sa iyo. Tinitingala ka nila at pilit ka nilang inaabot habang mahabag na pinanonood ang iyong pakikibaka para sa iyong tala. Tuloy sa paglaban sa mahigpit na hawak ng mga tala, “Hindi ka nararapat dito. Hindi ka pwedeng mabuhay sa mundong ginagalawan namin. Nakalas ka sa kanilang mahigpit na pagkakahawak at pagkatapos nito’y bumulusok paibaba. Habang bumabagsak ay napatingin ka sa iyong tala at nakita mong pinanood niya ang paghila sa iyo ng lupa. Hindi mo inalis ang titig mo sa kanyang nagmamakaawa. Unti-unting humihina sa iyong pandnig ang musika ng kalawakan at hanggang sa liwanag na lang ang iyong tala sa iyong paningin. Matagal ang iyong pagbagsak, tanda ang taas nang iyong pinanggalingan. Maya-maya pa’y naramdaman mong sumayad na ang iyong katawan sa malambot na lupa. Nasasabik ito sa iyong pagbabalik. Inakay ka sa iyong pagtayo ng mga taong sa iyo kanina’y nanonood. Naluluha silang nakatingin sa iyo, nasasalamin mo sa kanilang mga mata ang pagkahabag. Muli ay tiningala mo ang iyong tala.
Nagising kang humihikbi at umaalingawngaw sa iyong pandinig ang “Hindi ka nararapat dito, hindi ka pwedeng mabuhay sa mundong ginagalawan namin.” Nilingon mo ang iyong pinakamimithing tala sa bulok at makipot na bintana ng iyong madilim sa silid. Muli, binalikan mo ang alaala ng iyong panaginip. Malinaw ito na parang totoo ang mga pangyayari; ang ‘di maipintang kaligayahan iyong nadama habang kasayaw mo ang iyong pinakamimithing tala, ang pakikipaglaban mo upang makuha mo siya, ang pauli-ulit na babala ng ibang mga tala, ang walang ekspresyong mukha ng iyong tala habang pinanood kang bumubulusok pababa, ang nasasabik sa pagsalo sa iyo nang malambot na lupa at pagdamay ng mga taong malapit sa iyo. Naupo ka sa gilid ng kama, nag-iisip at nagmumuni-muni. Hindi masamang maghangad sa bagay na gusto mong maangkin. Maaaring ito ang maging daan sa reyalisasyon mo sa buhay at pagkakalilanlan sa sarili ngunit ang pagnais na mapasaiyo ang mga imposibleng bagay at maabot ang mga pagkatayog-tayog na mga pangarap sa isang iglap ay siyang maging daan sa isang masalimuot na pagbagsak.
Minsan din akong nangarap, pinilit kong abutin ang talang aking pinakamimithi. Pilit akong namuhay sa kanilang mundo, sumayaw sa kanilang tugtog, bumagsak at inakay ng mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Napagisip-isip ko na lahat ng bagay ay may hangganan, kahit pangarap, may limitasyon. Gayunpaman, naging inspirasyon ko ang aking pinakamimithing tala na minsa’y sa aking panaginip ay aking nakasayaw sa saliw ng musika ng kalawakan.

One of the frustrated things that I did. Ung mga bagay lang na maipagpapasalamat ko sa mga pangyayari na to sa buhay ko, natututo ako, sa iba't ibang klaseng tao at sitwasyon. At least, ngayon medyo nabawasbawasan na ung masyadong pagkaka-hook ko sa tao. Pero ang di lang maiba, ung pakiramdam kapag matatapos na pala. Parang hinahanap ko sa paligid ko ung ibang permamentang bagay bukod sa pamilya. May makakapagsabi ba sa akin na wala?

Monday, December 25, 2006

Separated by Usher

Oh no, no, no, no
If love was a bird
Then we wouldn't have wings
If love was a sky
We'd be blue
If love was a choir
You and I could never sing
Cause love isn't for me and you
If love was an Oscar
You and I could never win
Cause we can never act out our parts
If love is the Bible
Then we are lost in sin
Because its not in our hearts
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
If love was a fire
Then we have lost the spark
Love never felt so cold
If love was a light
Then we're lost in the dark
Left with no one to hold
If love was a sport
We're not on the same team
You and I are destined to lose
If love was an ocean
Then we are just a stream
Cause love isn't for me and you
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
Girl I know we had some good times
It's sad but now we gotta say goodbye
Girl you know I love you, I can't deny
I can't say we didn't try to make it work for you and I
I know it hurts so much but it's best for us
Somewhere along this windy road we lost the trust
So I'll walk away so you don't have to see me cry
It's killing me so, why don't you go
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
Causw we're better off, so much better off, separated
I'm sorry we didn't make it...

Thursday, December 21, 2006

Airport Scenes

Malimit lang ako napupunta ng airport, siguro dahil sa ilang mga pagkakataon na hindi madaling alalahanin ang mga ilang pagkakataon na nasa airport ako, mga pagkakataon na maranasan ang mga nakakalungkot na pag-alis. Pero kung aalahanin, may mga mas importanteng bagay na nangyari.

Scene 1
Manila International Airport, Philippines

After the baggage check and check-in, bayad kami ng travel tax then sa passport control/immigration check. Hinarang kami dun kasi masyado daw mahaba ung 3 months para mag stay kami rito sa Thailand. So balik sa airlines then pinapalit ng 1 month, ung number ng day para sa tourist staying in Thailand. Pagbalik sa immigration, hindi pa rin pinayagan ung 1 month ng masungit na babae. Pinamove nya ng one week. Balik kami sa airlines, nilagay lang sa ticket na one-week pero valid daw ung for 3 months kasi un ung ticket na binili namin. After nun, saka lang kami pinayagan makapasok sa eroplano. After that mas matinding eksena, nawala ko passport ko sa Bangkok.

Scene 2
Don Muang International Airport, Thailand
Di sanay ung friend ko na umaalis ng maraming bagahe. Pag pupunta sya ng ibang bansa, usually backpacking lang ginagawa nya. This time he will stay na sa America, then sabi sa kanya na he can bring baggages weighing 60 kgs. pero kelangna nyang ilagay yun sa 2 baggages. So he thought na ok lang basta 60 kgs, nilagay nya sa isang baggage. Sa check in di pumayag, o he had to buy one more luggage, ang nangyari he brought all the books then iniwan nya sa amin ung mga damit nya.

Scene 3
Suwarnabhumi International Airport, Thailand
One group of seamen from Jeddha, pauiw ng Pinas. sabi ng agent nila they can carry 40 kg baggage. So ok lang from Jeddah to Bahrain then to Moscow nd Bangkok. Pagdating sa Bangkok, ang plane nila: airbus ng Cebu Pacific (na ilang mga paahero ang nawalan ng bagahe from Bangkok and from Manila) so allowed lang 20 kg; 27 kung kasama ung hand carry. So they unloaded their baggages then ilipat sa hand carry. Some are so desperate na iniwan na lang sa amin ung mga laundry soaps, bigay lang naman daw sa kanila un ng company so they don't want to pay for it. Ayaw nila magbayad ng overbaggage kasi gusto nila na pera na lang ang iuwi nila sa Pinas.

Mga ilang eksena sa airport, mga problemang nakakatuwa, nakakataranta at lagi mong maaalala.

Wednesday, August 30, 2006

Gratitude of a Teacher to a Student and a Friend

May ilang taon din akong nakisalamuha sa kabataan noong nasa Pinas ako. Isa akong guro, sabi nga nila hindi mo man gustuhin, magkakaroon ng impluwensya sa iyo ang mga esudyante mo, bawat isa sa kanila, magkakaroon ng tatak sa pagkatao nila ang pagkakalilanlan nila sa iyo.

Sa ikalawang taon ng aking pagtuturo, pagkatapos ng graduation ko sa kolehiyo, sa mga kamay ng mga 4th year High School students ako bumagsak. Advisory ko ang klaseng 4C. Mga salitang aking nagamit para ilarawan ang mga bata sa klaseng un: batang kalye, delingkwente, tamad mga walang pangarap sa buhay. Walang pakundangang magsigawan sa pasilyo ng paaralan, at parang snack lang ang pgmumura sa kanila, hindi na bago kung makarinig ka sa pagpasok mo sa araw-araw. Nasabi ko na lang, isang taong kalbaryo, wala akong magawa, kailangang mabuhay.

Ngunit sa paglipas ng ilang buwan, ang mga estudyanteng tinawag kong delingkwente ang sa huli'y nakauunawa at nakapagpahalaga sa bawat maliliiit at malalaking bagay na ginagawa ko bilang isang guro. Hindi ako naiwan sa ere at naging panibagong araw ang bawat pagpasok ko sa klaseng un: panibagong araw para mabigyan ng bagong kaalaman ang mga batang nangangailangan.

Si Vicky, isa sa mga commoners ng klase. Mawala man sa klase, hindi halata. Ordinaryong bata, minsan masipag, minsan hindi. Masigla, aktibo sa pagsali sa mga activities sa paaralan, responsable, maasahan. Sa una hindi mo masasabing masayahin, ordinaryo. Sa mga kaibigan at malalapit na kaklase umiikot ang buhay nya. Bawat isa sa kanila ay tinuturing nyang kayamanan, pinahahalagahan.

Sa ilang mga huling buwan ko din nakilala ng maigi si Vicky. Nagsimula syang maging open sa akin. Sabihan ng sama ng loob, sikreto at mga impit na kilig sa ilang mga crushes sa labas at loob ng school. Palatawa, palaging nakangiti. Naging malapit si Vicky sa akin sampu ng ilang mga kaibigan nya.

Sa mga ilang huling araw ko sa Pinas, sila ang minsa'y aking nakasama. Hindi ko pinaaalam sa aking mga estudyante ko ang aking tirahan sa kadahilanang malapit ito sa paaralan na pinagtatrabahuhan ko at malapit sa ilang tirahan ng mga estudyante ko. Minsan isang bakasyon nagulat ako't nakarting sila sa bahay ko. Pinagtanong-tanong kung saan nakatira ang isang Teacher Philip. Madaling matunton kasi ako lang naman ang "Teacher Philip" sa lugar namin. Ang may pakana, si Vicky.

Minsang nakasama ko sila sa bahay ng isang kaibigan, nilulubos ang mga ilang huling araw ko sa Pinas kasama ng mga masasayahing tao. Minsan naikwento ko rin sa kanila ang mga ilang bagay tungkol sa akin. Mga bagay na minsan naikukuwento ko lang sa aking mga kaibigan. Naging maluwag na ang loob ko sa mga ordinaryong esrudyante na ito. Taimtim silang nakinig sa aking mga kwento, nakitawa nalungkot sa mga iilang eksena. Sa una'y naiisip ko na nakaapekto ako sa buhay nila, at sa mga ilang araw, nakasama ako sa mundo nila, at nakaapekto sila sa aking pagkatao at prinsipyo bilang isang guro.

Minsang nakikinig kami ng radyo, tumugtog ang "Superstar" ni Jamelia. "Sir, para sa inyo po yang song na yan". Napangiti ako, sa buhay ng usang ordinaryong bata, isa akong Superstar. Bago ako umalis, minsan nasabi ko sa kanila, pagbalik ko sama-sama ulit tayo tapos nightlife tayo, siguro sa panahon na yun legal na kayong umuwi ng madaling-araw.

Isang araw bago ako umalis, sabay-sabay silang nagpaalam sa akin. Sabi ko babalik pa ako at magkikita pa tayo.

Madalas ang palitan ng mga emails at messages. Pagkatapos nun, patuloy sya sa pag-aaral nya, ako sa pagtuturo kaya dumalang ang balitaan.

Nagulat na lang ako ng marinig ko ang isang balita kahapon. Wala na si Vicky. Inatake ng hika noong Linggo pagkatapos magtraining ng volleyball. Inalok ng kasama sa bahay na dalhin sa hospital ngunit sabi nya hintayin nya muna ang nanay nya, pagkadating ng nag-aalalang ina nagpaalam sya na pupuntang CR bago umalis at pagkalabas ng pasilyas nasabi na lang nya na "Ma, hindi ko na kaya" pagkatapos ay hinimatay. Dead on arrival ang sabi sa ospital. Naalala ko ang mga ilang huling araw na magkakasama kami ni Vicky at nang kanyang mga kaibigan. Hindi ko akalaing na ganun lang kabilis ang mga pangyayari. Masasayang alaala at masiglang Vicky ang aking naaalala, hindi ako makapaniwala.

Ordinaryong estudyante, nabansagang delingkwente ngunit sa huli'y may mga bagay pala silang mga estudyante ang magtuturo sa estudyante ng ilang bagay.

Ang pangakong muling pagkikita, itutuloy ko pa rin. Kasama ng ilang mga kaibigan, kahit wala na si Vicky. Alam ko kahit na hindi namin sya kasama, daladala na rin namin ang kanyang alaala at masasabi naming nandyan lang sya, katulad ng madalas nyang gingawa, nanonood, nakikinig at nakikitawa sa mga kwentuhan.

Hindi ko makakalimutan kung papapanong ang isang ordinaryong estudyante ang makakapagturo sa isang guro na katulad ko kung pano makatagal sa pagtahak na daan ng buhay. Nagiba ka man ng daan, nawala sa aming tabi, balang-araw magkakasama din ulit tayo. Hindi ka man namin kapiling alam namin na masaya ka.

Salamat at paalam...