Tuesday, October 28, 2008

Propagating Friendship Award

A college friend, also a blogger, gave me this link to her blog. An award passed from one blogger to another. Jes is a mom of two kids. She blogs about her little angels and selling house and lots.

Thank you Jes. Keep blogging



Now, I am passing this award to Willi
A 2-time Palanca Awardee in America and the mastermind of the Lagalag: A Traveling Journal of Filipinos. And of course, a blogger.

Tuesday, October 14, 2008

Ikatlong Banat: Flickristas Shoot 8



Inspired by a friend, I started taking photographs just using my cameraphone long time ago. A month ago, I bought my first DSLR camera.

I am so happy, ecstatically happy being my photo included in the exhibit. A feeling of fulfillment as an amateur (or as a friend said to me "frustrated") photographer.

Anyway, it won't stop there. I'm very willing to learn more things about photography.

A friend told me that she thinks that photographers are pathetic, with that big gadget always with them and all. Actually, I kind of forgot her reasons why they are pathetic because while she is telling me all these reasons, my mind is racing with how I will answer to it. I told her that for me, photography is art. It's like painting a picture, instead using paints, brush and canvas, photographers use camera, lens, film and photo paper. Like painters, photographers make their own masterpieces by capturing finest moments, peoples' emotions, landscapes of grandeur, beautiful ways of Mother Nature. Painters and photographers are not different from each other. Sharing their feelings through their own ways of art. she just answered "So you're answering for them? Or you feel like you're one of them?". I just smiled. Maybe I can be one of them, maybe I can capture these "works of art" and share it to the world. I just had my first step. My photo is in the Flickrista Shoots Eight Exhibit.



This is my photo entry in the exhibit. Although it didn't win, I am still happy that my photo is included in the exhibit. But most of all, my family visited the exhibit and they love my photo (they even thought that I have a chance of winning the prize). Being appreciated by my family in all of my endeavors makes me feel that the world appreciated my work.

Saturday, July 12, 2008

Unang Liham Para kay Mama (sa Internet)

It was December 2005 when I wrote this on my Friendster's blog. I'm counting the days before my 26th birthday and I am starting to miss my family.

Driven by inspiration, I wrote this. For the greatest fan and the greatest hero of my life.

Unang pasko ko na hindi ko kayo kasama. Nakakalungkot pero isipin ko lang na kahit papano makakatulong ako sa mga problema at kapag naging maayos na ako dito ay lalong magiging maayos ang buhay natin kahit papano.

Naaalala ko nun nung minsang umuwi ako sa bahay, galing school, nasa elementary ako nun. Nagulat ka kasi hindi pa uwian, umuwi na ko at umiiiyak. Nagsumbong ako, niloloko kasi ako ng mga kaklase ko. Bumalik tayo sa school at kinausap (hindi sinigawan) ang mga kaklase ko na nanloloko sa kin.

Minsan pang naglalaro ako sa kalye ng Manggahan, nanggulo ung kapitbahay naming bully. Nakita mong inaambaan ako ng suntok. Hindi mo pa rin sya sinigawan, sabi mo "Sige, magsuntukan kayo." Hindi ko rin maalala ang mga sunod na pangyayari, napatumba ko sya at parang ilang minutong naging sikat ako sa tin, napataob ko salbaheng bata. Umuwi ako, umiiyak. Pero may tuwa sa kalooban, simula noon kahit papano natuto na ako kung pano lumaban.

Minsan umuwi ako sa bahay galing school, kolehiyo na ako noon. Pagbaba ng bag, telepono agad ang hinanap ko. May kausap ako, yung nililigawan ko. Tinatanong ko kasi kung totoo bang sinagot na nya yung isang kaklase namin nanliligaw sa kanya, na isang linggo pa lang nya nililigawan, at ako, buwan na. Maya-maya, binaba ko tapos tawag uli, si Nikki naman kausap ko. Nakita mo na lang ako, umiiyak, humahagulgol. Kahit pagkababa na ng telepono, umiiyak pa rin ako. Niyaya mo na akong kumain. Medyo ok na ko nun habang kumakain. Nilapitan mo ako tapos niyakap. "Ok lang yan kuya, ganyan talaga ang buhay". Muli, nangilid ang luha sa mata ko at nagsimula uli akong humagulgol.

Napakarami na nang dinaanan mo, natin. Naging saksi ako sa 22 taong pinakakasalukuyang pangyayari sa buhay mo. Ilang taon lang doon ang ako'y magkamalay at nakaintindi. Madalas, tikom-bibig lang ako manood sa mga ito. Pero sa loob ko, naging masaya ako sa maliligayang sandali at malungkot sa pinagdaaanang pagsubok. Minsan lang natandaan ko na nakapagsalita ako na wag ka nilang apihin, lasing ako sa bahay ng kaklase ko.

Pero kahit ganun man, nanatili kang matatag sa lahat ng mga ito. Naging inspirasyon ko ito habang nandito ako, malayo sa piling nyo. Ang katatagan na ito ang nagpapagalaw sa mga paa ko at nagbibigay enerhiya sa kin upang gumising araw-araw at magtrabaho.

At ngayon, kayo naman ang may kailangan ng balikat na sasandalan, sana ay maipahayag ko, sa pamamagitan ng sulat na ito, na kahit malayo ako, nandito ako para magsilbing balikat upang akayin ang mabigat mong ulo at nang gumimhawa ang pakiramdam mo.

Tulad mo, lalakasan ko pa ang loob ko para malampasan din ang mga problema ko, at sana wag ka ring mawalan ng lakas ng loob at tiwala sa Diyos. May balik na maganda rin ang lahat ng ito.

Tulad nga ng sinabi ng isang kaibigan ko, "May dahilan ang lahat na ito." at alam kong makatarungan ang Diyos sa kung ano mang dahilan na nasa likod nang pinagdadaanan nating ito.

Magiging malungkot ang pasko ko, pero isipin ko lang na nandyan ka, kayo, nasa likod ko upang gabayan ako, magiging masaya na rin ito.

Miss na miss ko na kayo! Alagaan nyo ang sarili nyo at magtulungan kayo, tayo.

Mahal na mahal kita, Ma!