It was December 2005 when I wrote this on my Friendster's blog. I'm counting the days before my 26th birthday and I am starting to miss my family.
Driven by inspiration, I wrote this. For the greatest fan and the greatest hero of my life.
Unang pasko ko na hindi ko kayo kasama. Nakakalungkot pero isipin ko lang na kahit papano makakatulong ako sa mga problema at kapag naging maayos na ako dito ay lalong magiging maayos ang buhay natin kahit papano.
Naaalala ko nun nung minsang umuwi ako sa bahay, galing school, nasa elementary ako nun. Nagulat ka kasi hindi pa uwian, umuwi na ko at umiiiyak. Nagsumbong ako, niloloko kasi ako ng mga kaklase ko. Bumalik tayo sa school at kinausap (hindi sinigawan) ang mga kaklase ko na nanloloko sa kin.
Minsan pang naglalaro ako sa kalye ng Manggahan, nanggulo ung kapitbahay naming bully. Nakita mong inaambaan ako ng suntok. Hindi mo pa rin sya sinigawan, sabi mo "Sige, magsuntukan kayo." Hindi ko rin maalala ang mga sunod na pangyayari, napatumba ko sya at parang ilang minutong naging sikat ako sa tin, napataob ko salbaheng bata. Umuwi ako, umiiyak. Pero may tuwa sa kalooban, simula noon kahit papano natuto na ako kung pano lumaban.
Minsan umuwi ako sa bahay galing school, kolehiyo na ako noon. Pagbaba ng bag, telepono agad ang hinanap ko. May kausap ako, yung nililigawan ko. Tinatanong ko kasi kung totoo bang sinagot na nya yung isang kaklase namin nanliligaw sa kanya, na isang linggo pa lang nya nililigawan, at ako, buwan na. Maya-maya, binaba ko tapos tawag uli, si Nikki naman kausap ko. Nakita mo na lang ako, umiiyak, humahagulgol. Kahit pagkababa na ng telepono, umiiyak pa rin ako. Niyaya mo na akong kumain. Medyo ok na ko nun habang kumakain. Nilapitan mo ako tapos niyakap. "Ok lang yan kuya, ganyan talaga ang buhay". Muli, nangilid ang luha sa mata ko at nagsimula uli akong humagulgol.
Napakarami na nang dinaanan mo, natin. Naging saksi ako sa 22 taong pinakakasalukuyang pangyayari sa buhay mo. Ilang taon lang doon ang ako'y magkamalay at nakaintindi. Madalas, tikom-bibig lang ako manood sa mga ito. Pero sa loob ko, naging masaya ako sa maliligayang sandali at malungkot sa pinagdaaanang pagsubok. Minsan lang natandaan ko na nakapagsalita ako na wag ka nilang apihin, lasing ako sa bahay ng kaklase ko.
Pero kahit ganun man, nanatili kang matatag sa lahat ng mga ito. Naging inspirasyon ko ito habang nandito ako, malayo sa piling nyo. Ang katatagan na ito ang nagpapagalaw sa mga paa ko at nagbibigay enerhiya sa kin upang gumising araw-araw at magtrabaho.
At ngayon, kayo naman ang may kailangan ng balikat na sasandalan, sana ay maipahayag ko, sa pamamagitan ng sulat na ito, na kahit malayo ako, nandito ako para magsilbing balikat upang akayin ang mabigat mong ulo at nang gumimhawa ang pakiramdam mo.
Tulad mo, lalakasan ko pa ang loob ko para malampasan din ang mga problema ko, at sana wag ka ring mawalan ng lakas ng loob at tiwala sa Diyos. May balik na maganda rin ang lahat ng ito.
Tulad nga ng sinabi ng isang kaibigan ko, "May dahilan ang lahat na ito." at alam kong makatarungan ang Diyos sa kung ano mang dahilan na nasa likod nang pinagdadaanan nating ito.
Magiging malungkot ang pasko ko, pero isipin ko lang na nandyan ka, kayo, nasa likod ko upang gabayan ako, magiging masaya na rin ito.
Miss na miss ko na kayo! Alagaan nyo ang sarili nyo at magtulungan kayo, tayo.
Mahal na mahal kita, Ma!
2 comments:
Huhuhuhu! kakaiyak naman nito "Kuya", naalala ko tuloy nung college tayu, nung madalas tayu sa inyo, ang bait bait ng parents mo...=) Ang saya saya nung mga araw na yun.Sana laging ganun d b? =)
isa sa mga saksi...
sana nga madalas tayong ganun...
namimiss ko na rin ang mga panahon na un...
Post a Comment