Karugtong na sa buhay ng tao ang pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig. Ang pagkwento sa mga karanasang pang-Maalaala mo Kaya. May malungkot, happy-ending, adventure, minsan may horror pa. ilan ito sa ilang kwentong tumatak sa isip po galing sa mga taong aking nakasalimuha.
Mahal nila ang isa't-isa, handa na silang harapin ang buhay na sabay nilang uusungin ang maalon na takbo ng buhay, plano na ang kanilang kasal. Isang gabing nagaway sila, umuwi ang lalaki na may bigat sa kalooban at ang babae na may luha sa mata. Sa pagsikat nang araw nang sumunod na araw, kasama sa paggising ng babae ang balitang aksidente ng lalaki. Hindi nakadalaw ang babae sa ospital, isang beses na pinilit nyang kausapin ang lalaki sa telepono, inaalala ang nakaraan, pagpapatawad sa mga kasalanan at muling pagtanggap sa isat-isa. Pagkatapos ng pag-uusap, ay ang huling hiningang binigay ng lalaki para sa babae. Ngayon, kakambal na sa alaala ng babae ang alaala ng kanyang mahal kahit sa pagsuong nya sa buhay sa ibang bansa. Ginamit nyang inspirasyon ang malungkot na alaala ng pag-ibig.
Sampung taon ding tumagal ang kanilang pag-ibig. Marami nga sa kanilang kaibigan ang nagsasabing sila na talaga ang para sa isa't-isa. Nang dahil sa kahirapan sa buhay, kahit masakit sa loob ng isa't-isa ay pinili ng babae ng lumipad at hanapin ang kapalaran sa ibang bansa. Malungkot ang naging pagpapaalam nila sa isat'sa. Patuloy ang kanilang komunikasyon, palitan nang mga sulat at makuntento sa maliit na oras na muling iparamdam sa isa't-isa ang kanilang pagmamahalan. Inspirasyon ng babae ang kanilang alaala sa araw-araw na pagsusumikap sa ibang bansa. Pagkatapos ng 3 buwan, muling bumalik ang babae sa Pilipinas, sa kanilang probinsya. Pasalubong sa kanya ang balitang may ibang kasintahan na ang lalaki at nasa Maynila. Kasabay rin nito ang pagtunaw ng manipis na hibla ng komunikasyon ng dalawa. Pagkatapos ng ilang buwan, muling nagplano ang babae na pumunta sa ibang bansa, sa aitport muli silang nagkita. Bago sumakay ng eroplano ang babae, muling nagkausap ang dalawa, nagkapatawaran at sa huling pagkakataon ay higpit-yakap nilang tinanggap ang mga pangyayari sa kanilang buhay, ang pag-amin sa kanilang sarili na magkahiwalay na nilang hanapin ang kanilang kapalaran.
Mga kwentong pag-ibig, sa huli, ang alaala at pagpapatawad ang naging daan na kahit malungkot ang katapusan, pag-ibig ang nagturo sa bawat isa sa kanila na patuloy ang buhay at walang katapusan ang paghahanap ng bawat isa sa atin sa tunay at wagas na pag-ibig
No comments:
Post a Comment