Wednesday, January 17, 2007

Ang Pagsasayaw...

This was posted in my Friendster blog (http://spidey_addict12.blogs.friendster.com). I keep asking myself kasi; why I give everything, my whole self and heart,to someone I got really close with? Kahit sa friend o sa lover, I'm always like this, ending up hurt and depressed. And the depression make me do crazy things. This is one of the crazy things i did because of that feeling.

Frustrated writer ako. Bakit frustrated? Kasi di talaga ako nakakapagsulat ng ordinaryong araw. Alam mo naman siguro ang mga writers kahit anong araw at weather nakakapagsulat pero ako toyoin. Minsan akong nakapagsulat ng short stories dahil sa sawi ako sa pag-ibig (love story ang theme), minsan naman eh suspense (sa textmate ang kwento), minsan naman eh poems dahil masama ang loob ko sa kaibigan ko and sa love din. Nakapagcompose ng kanta para sa minamahal. Mga ganun. Pero eto sa isa sa mga pinakapaborito ko mga nasulat ko. Ewan ko kung anong tawag dito kung story or essay or something. Basta free writing!
Ang kuwento naman nito, sawi sa pag-ibig. Ako! Medyo mababaw pero sa chat lang kami nagkakilala (nagchachat na ko nung mIRC palang kaya wag mag-isip ng iba ang mga nagbabasa), pero sa phone lang kami nag-uusap. Matagal din kami magkakilala, siguro halos 1 year din. Mabait naman siya and sweet (lam nyo un ung mga tipong, "Kumain ka na ba?", "Wag ka masyadong magpakapagod.", "TCCIC."). Dahil dun kaya nahulog ang loob ko sa kanya at dahil dun din kaya ko inakalang kahit papano ay may nararamdaman sya para sa kin (kahit papano talaga eh no!). Nakakatuwa man isipin pero sinabi ko sa kanya na nililigawan ko na siya and hindi siya nagsabi ng "Wag mo nang ituloy kasi wala talaga." o "Great, actually mahal din kita". Tuloy lang ako, text, chat, phone lahat-lahat then one time nagplano ng eyeball at sya ang nagplano nun. Napakaexcited ko nun (nga pala, kilala ko na mukha nya sa pic). As in the day before the eyebell nagusap pa kami kung ano mga gagawin namin: na maaga daw kami magkita para buong araw kami magkasama, dadalhin nya daw ako dun sa favorite nya na restaurant and stuffs. Then ung araw na, bago ako umalis ng bahay, tinawagan ko siya. Unattended and number nya pero tumuloy pa rin ako. Naghintay ako sa wala. Dumiretso sa kaibigan para maglabas ng sama ng loob, then try ko uling tawagan then nagbigay ng reason (naniniwala pa rin ako sa reason nya hanggang ngayon). Then pag-uwi ko sa amin, nakatanggap ako ng text galing sa kanya na sabing maghanap na lang daw ako ng iba. Lam nyo un na di raw sya worth para sa kin and sayang lang daw time ko. SHIT! Para akong sinakluban ng langit at lupa. Isang buwan din akong nagmukmok at nalungkot dun at habang nagdadalamhati ako ay nabuo ko itong "ANG PAGSASAYAW SA PINAKAMIMITHING TALA SA SALIW NG MUSIKA NG KALAWAKAN". Syempre gawa ko to kaya nasabi kong maganda pero maraming nakapagbasa at majority naman sa kanila sabi maganda, may nanghingi ng kopya, nagpapasa sa internet.
Sana magustuhan nyo siya! You will learn something from it. Pagtyagaan na din kasi medyo mahaba!

Ang Pagsayaw sa Pinakamimithing Tala sa Saliw ng Musika ng Kalawakan
ni busted_geek12 (pang-teenager na pen name)

Minsan kang naglalakad sa dilim ng karimlan, blangko ang utak na parang robot na pilit binubuhay ng kapiranggot na kuryenteng dumadaloy galing sa nabubulok na baterya. May kung anong pwersa ang tumulak sa iyo pang tumingin sa kalangitan at may nakita kang bumuhay sa naghihingalong apoy sa iyong kalooban. Isang tala, nagniningning ng kakaiba sa mga ibang tala sa kalawakan, tila nagpapapansin upang manakaw ang iyong atensyon. Dahil sa angking kaakitan, ay pinangarap mong maabot at maangkin siya. Walang gabing hindi mo sinusulyapan ang kutitap nitong lalong gumaganda sa pagdaan ng mga araw. Ilang beses mo ring napanaginipang sumasayaw kasama siya sa saliw ng musika ng kalawakan.
Isang gabi, napanaginipan mong inaabot mo ang iyong tala sa pinakamataas na bundok ng iyong pangarap. Hindi pa rin sapat ang taas nito upang maabot siya. Sa iyong pagkagulat, unti-unting lumiliwanag ito, napansin mong ito’y bumaba at lumalapit sa iyong direksyon. Sa kanyang paglapit, lalo kang namangha sa kanyang karikitan. Inabot niya ang kamay mo at sinabing, “Sumama ka sa akin at tayo’y sumayaw sa aking mundo.” Dahan-dahang ka niyang inangat. Mahigpit ang paghawak mo sa kanya, dama mo ang hirap ng paglalakbay sa mataas na mundong kanyang kinabibilangan ngunit hindi mo ito alintana. Ang galak ay namutawi sa iyong kalooban. Pagdating doon ay umapaw sa iyong tenga sa ganda ng musika ng kalawakan. Kakaiba ito sa musika sa ibaba ngunit ang tunog nito’y humihila sa iyo upang igalaw ang iyong katawan. “Magsayaw tayo”, ang malambing niyang sabi. Mahigpit mo siyang niyakap at sumayaw sa saliw ng musika ng kalawakan. Ang tuwang iyong nadarama ay umaapaw sa iyong damdamin. Kahit sarili mo’y hindi maipaliwanag ito ngunit hindi mo ito iniintindi, ang mahalaga ay kasama mo ang iyong pinakamimithing tala. Ayaw mo nang magising sa pangarap na ito. Ilang sandali pa’y napansin mong nagsisilapit ang ibang tala sa inyo. Taglay din nila ang kagandahang ng isang tala. Hinawakan ka nila at pilit nilang inilalayo sa iyo ang talang nagbibigay sa iyo nang kaligayahan. Nanlaban ka ngunit higpit-hawak nilang sinabing “Hindi ka nararapat dito, hindi ka pwedeng mabuhay sa mundong ginagalawan namin.” Sa iyong pagpupumiglas, nasulyapan mo ang mundo sa ibaba, ang mga taong malapit sa iyo. Tinitingala ka nila at pilit ka nilang inaabot habang mahabag na pinanonood ang iyong pakikibaka para sa iyong tala. Tuloy sa paglaban sa mahigpit na hawak ng mga tala, “Hindi ka nararapat dito. Hindi ka pwedeng mabuhay sa mundong ginagalawan namin. Nakalas ka sa kanilang mahigpit na pagkakahawak at pagkatapos nito’y bumulusok paibaba. Habang bumabagsak ay napatingin ka sa iyong tala at nakita mong pinanood niya ang paghila sa iyo ng lupa. Hindi mo inalis ang titig mo sa kanyang nagmamakaawa. Unti-unting humihina sa iyong pandnig ang musika ng kalawakan at hanggang sa liwanag na lang ang iyong tala sa iyong paningin. Matagal ang iyong pagbagsak, tanda ang taas nang iyong pinanggalingan. Maya-maya pa’y naramdaman mong sumayad na ang iyong katawan sa malambot na lupa. Nasasabik ito sa iyong pagbabalik. Inakay ka sa iyong pagtayo ng mga taong sa iyo kanina’y nanonood. Naluluha silang nakatingin sa iyo, nasasalamin mo sa kanilang mga mata ang pagkahabag. Muli ay tiningala mo ang iyong tala.
Nagising kang humihikbi at umaalingawngaw sa iyong pandinig ang “Hindi ka nararapat dito, hindi ka pwedeng mabuhay sa mundong ginagalawan namin.” Nilingon mo ang iyong pinakamimithing tala sa bulok at makipot na bintana ng iyong madilim sa silid. Muli, binalikan mo ang alaala ng iyong panaginip. Malinaw ito na parang totoo ang mga pangyayari; ang ‘di maipintang kaligayahan iyong nadama habang kasayaw mo ang iyong pinakamimithing tala, ang pakikipaglaban mo upang makuha mo siya, ang pauli-ulit na babala ng ibang mga tala, ang walang ekspresyong mukha ng iyong tala habang pinanood kang bumubulusok pababa, ang nasasabik sa pagsalo sa iyo nang malambot na lupa at pagdamay ng mga taong malapit sa iyo. Naupo ka sa gilid ng kama, nag-iisip at nagmumuni-muni. Hindi masamang maghangad sa bagay na gusto mong maangkin. Maaaring ito ang maging daan sa reyalisasyon mo sa buhay at pagkakalilanlan sa sarili ngunit ang pagnais na mapasaiyo ang mga imposibleng bagay at maabot ang mga pagkatayog-tayog na mga pangarap sa isang iglap ay siyang maging daan sa isang masalimuot na pagbagsak.
Minsan din akong nangarap, pinilit kong abutin ang talang aking pinakamimithi. Pilit akong namuhay sa kanilang mundo, sumayaw sa kanilang tugtog, bumagsak at inakay ng mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Napagisip-isip ko na lahat ng bagay ay may hangganan, kahit pangarap, may limitasyon. Gayunpaman, naging inspirasyon ko ang aking pinakamimithing tala na minsa’y sa aking panaginip ay aking nakasayaw sa saliw ng musika ng kalawakan.

One of the frustrated things that I did. Ung mga bagay lang na maipagpapasalamat ko sa mga pangyayari na to sa buhay ko, natututo ako, sa iba't ibang klaseng tao at sitwasyon. At least, ngayon medyo nabawasbawasan na ung masyadong pagkaka-hook ko sa tao. Pero ang di lang maiba, ung pakiramdam kapag matatapos na pala. Parang hinahanap ko sa paligid ko ung ibang permamentang bagay bukod sa pamilya. May makakapagsabi ba sa akin na wala?

No comments: