Thursday, February 01, 2007

A Love Story in Harvard


Alas onse ng gabi, usually tulog na mga tao sa bahay ng ganitong oras pero lately may maririnig ka pang tumitili, ung kinikilig, tatawa minsan may sisigaw sa galit sa sala. It's because of the "A Love Story in Harvard Fever" and it invades Filipino houses in Bangkok.

Sa Pilipinas pa lang ako, nahiligan ko na rin manood ng mga Korean novelas, buhay kasi ang bahay sa primetime hours kaya simula sa news sa gabi hanggang sa pinakahuling telenovela sa gabi, gising lahat ng tao sa bahay. Isa pa nga sa kinaiinisan ko noon bago ako umalis papunta e rito e hndi ko mapapanood ung ending ng "Memories of Bali".

Ngayon, balik na naman ang Korean telenovela fever dito sa mga Filipinos sa Thailand. Downloaded from the internet ung "Love Story in Harvard". Even here, Thais are going crazy on Korean soaps. Most of the recent telenovelas dito, pinalabas na sa Pinas.

What's with "A Love Story in Harvard"?. A Korean guy (si Pangit. We named him Pangit kasi hindi sya kasi pogi but habang tumatagal, mapapansin at maatract ang mga kababaihang nanonood), who has a very famous father lawyer, went to US to study law at Harvard. At first it was very difficult for him because he can't get along easily with his professor. Then he later found out another guy (si Pogi, kasi pogi naman kasi talaga sya) studying law in his school. San si leading lady. He met the girl (si Cute), but thy're meeting is not a good one. He caught the girl in one of the professor's office and the professor is naked. She was seen working in bars and escorting some guys. Kaya akala ni Pangit, prosti si Cute. May away of course pero they get together easily because of the guy's ability to make someone feel good (from Cute's point of view). Anyway, ung babaeng panggulo (meron naman palagi nun) ay anak ng may-ari ng isang law firm sa America. May gusto sya (si Daot) kay Pogi, and she did everything she can to get him.

Sa mga unang episodes, puro paerehan at pataasan ni Pangit saka ni Pogi to win the heart of Cute. But at the end of course, si Pangit ang nagwagi. Marami silang problems naencounter sa Harvard, one of the worse ones is kamuntikan ng matanggal sa school si Cute (student sya sa Harvard College of Medicine).

The sad is kailangan umalis ni Cute for her research and study program na inofeer sa kanya ng university. They spent the last days together bago umalis si Cute. Walang alam si Pangit sa plano ni Cute. He knows about the research and study program pero di nya alam kung kailan. Then the last night umalis si Cute leaving Pangit alone.

Here are some of the lines bago umalis si Cute:

"Siguro kailangan na nating bawasan ang pagmamahal natin sa isa't isa bago ka umalis. At least kahit mawala ka, hindi masyado masakit."

Note na iniwan ni Cute sa bed pagkaalis nya.

"Eto na ung tamang panahon para bawasan na natin ang pagmamahal natin sa isa't isa."

Naghiwalay sila, grumaduate si Pangit, after 3 years nagkita ulit sila sa Korea.

"What will happened after several years, nagkita ulit kayo, may possibility kaya na mahalin nyo ulit ang isa't isa at magsimula ng bago.?"

Sa kalagayan ni Pangit at ni Cute, naging posible, pero sa totoong buhay, posible kaya?

No comments: