Monday, December 25, 2006

Separated by Usher

Oh no, no, no, no
If love was a bird
Then we wouldn't have wings
If love was a sky
We'd be blue
If love was a choir
You and I could never sing
Cause love isn't for me and you
If love was an Oscar
You and I could never win
Cause we can never act out our parts
If love is the Bible
Then we are lost in sin
Because its not in our hearts
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
If love was a fire
Then we have lost the spark
Love never felt so cold
If love was a light
Then we're lost in the dark
Left with no one to hold
If love was a sport
We're not on the same team
You and I are destined to lose
If love was an ocean
Then we are just a stream
Cause love isn't for me and you
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
Girl I know we had some good times
It's sad but now we gotta say goodbye
Girl you know I love you, I can't deny
I can't say we didn't try to make it work for you and I
I know it hurts so much but it's best for us
Somewhere along this windy road we lost the trust
So I'll walk away so you don't have to see me cry
It's killing me so, why don't you go
So why don't you go your way
And I'll go mine
Live your life, and I'll live mine
Baby you'll do well, and I'll be fine
Cause we're better off, separated
Causw we're better off, so much better off, separated
I'm sorry we didn't make it...

Thursday, December 21, 2006

Airport Scenes

Malimit lang ako napupunta ng airport, siguro dahil sa ilang mga pagkakataon na hindi madaling alalahanin ang mga ilang pagkakataon na nasa airport ako, mga pagkakataon na maranasan ang mga nakakalungkot na pag-alis. Pero kung aalahanin, may mga mas importanteng bagay na nangyari.

Scene 1
Manila International Airport, Philippines

After the baggage check and check-in, bayad kami ng travel tax then sa passport control/immigration check. Hinarang kami dun kasi masyado daw mahaba ung 3 months para mag stay kami rito sa Thailand. So balik sa airlines then pinapalit ng 1 month, ung number ng day para sa tourist staying in Thailand. Pagbalik sa immigration, hindi pa rin pinayagan ung 1 month ng masungit na babae. Pinamove nya ng one week. Balik kami sa airlines, nilagay lang sa ticket na one-week pero valid daw ung for 3 months kasi un ung ticket na binili namin. After nun, saka lang kami pinayagan makapasok sa eroplano. After that mas matinding eksena, nawala ko passport ko sa Bangkok.

Scene 2
Don Muang International Airport, Thailand
Di sanay ung friend ko na umaalis ng maraming bagahe. Pag pupunta sya ng ibang bansa, usually backpacking lang ginagawa nya. This time he will stay na sa America, then sabi sa kanya na he can bring baggages weighing 60 kgs. pero kelangna nyang ilagay yun sa 2 baggages. So he thought na ok lang basta 60 kgs, nilagay nya sa isang baggage. Sa check in di pumayag, o he had to buy one more luggage, ang nangyari he brought all the books then iniwan nya sa amin ung mga damit nya.

Scene 3
Suwarnabhumi International Airport, Thailand
One group of seamen from Jeddha, pauiw ng Pinas. sabi ng agent nila they can carry 40 kg baggage. So ok lang from Jeddah to Bahrain then to Moscow nd Bangkok. Pagdating sa Bangkok, ang plane nila: airbus ng Cebu Pacific (na ilang mga paahero ang nawalan ng bagahe from Bangkok and from Manila) so allowed lang 20 kg; 27 kung kasama ung hand carry. So they unloaded their baggages then ilipat sa hand carry. Some are so desperate na iniwan na lang sa amin ung mga laundry soaps, bigay lang naman daw sa kanila un ng company so they don't want to pay for it. Ayaw nila magbayad ng overbaggage kasi gusto nila na pera na lang ang iuwi nila sa Pinas.

Mga ilang eksena sa airport, mga problemang nakakatuwa, nakakataranta at lagi mong maaalala.

Wednesday, August 30, 2006

Gratitude of a Teacher to a Student and a Friend

May ilang taon din akong nakisalamuha sa kabataan noong nasa Pinas ako. Isa akong guro, sabi nga nila hindi mo man gustuhin, magkakaroon ng impluwensya sa iyo ang mga esudyante mo, bawat isa sa kanila, magkakaroon ng tatak sa pagkatao nila ang pagkakalilanlan nila sa iyo.

Sa ikalawang taon ng aking pagtuturo, pagkatapos ng graduation ko sa kolehiyo, sa mga kamay ng mga 4th year High School students ako bumagsak. Advisory ko ang klaseng 4C. Mga salitang aking nagamit para ilarawan ang mga bata sa klaseng un: batang kalye, delingkwente, tamad mga walang pangarap sa buhay. Walang pakundangang magsigawan sa pasilyo ng paaralan, at parang snack lang ang pgmumura sa kanila, hindi na bago kung makarinig ka sa pagpasok mo sa araw-araw. Nasabi ko na lang, isang taong kalbaryo, wala akong magawa, kailangang mabuhay.

Ngunit sa paglipas ng ilang buwan, ang mga estudyanteng tinawag kong delingkwente ang sa huli'y nakauunawa at nakapagpahalaga sa bawat maliliiit at malalaking bagay na ginagawa ko bilang isang guro. Hindi ako naiwan sa ere at naging panibagong araw ang bawat pagpasok ko sa klaseng un: panibagong araw para mabigyan ng bagong kaalaman ang mga batang nangangailangan.

Si Vicky, isa sa mga commoners ng klase. Mawala man sa klase, hindi halata. Ordinaryong bata, minsan masipag, minsan hindi. Masigla, aktibo sa pagsali sa mga activities sa paaralan, responsable, maasahan. Sa una hindi mo masasabing masayahin, ordinaryo. Sa mga kaibigan at malalapit na kaklase umiikot ang buhay nya. Bawat isa sa kanila ay tinuturing nyang kayamanan, pinahahalagahan.

Sa ilang mga huling buwan ko din nakilala ng maigi si Vicky. Nagsimula syang maging open sa akin. Sabihan ng sama ng loob, sikreto at mga impit na kilig sa ilang mga crushes sa labas at loob ng school. Palatawa, palaging nakangiti. Naging malapit si Vicky sa akin sampu ng ilang mga kaibigan nya.

Sa mga ilang huling araw ko sa Pinas, sila ang minsa'y aking nakasama. Hindi ko pinaaalam sa aking mga estudyante ko ang aking tirahan sa kadahilanang malapit ito sa paaralan na pinagtatrabahuhan ko at malapit sa ilang tirahan ng mga estudyante ko. Minsan isang bakasyon nagulat ako't nakarting sila sa bahay ko. Pinagtanong-tanong kung saan nakatira ang isang Teacher Philip. Madaling matunton kasi ako lang naman ang "Teacher Philip" sa lugar namin. Ang may pakana, si Vicky.

Minsang nakasama ko sila sa bahay ng isang kaibigan, nilulubos ang mga ilang huling araw ko sa Pinas kasama ng mga masasayahing tao. Minsan naikwento ko rin sa kanila ang mga ilang bagay tungkol sa akin. Mga bagay na minsan naikukuwento ko lang sa aking mga kaibigan. Naging maluwag na ang loob ko sa mga ordinaryong esrudyante na ito. Taimtim silang nakinig sa aking mga kwento, nakitawa nalungkot sa mga iilang eksena. Sa una'y naiisip ko na nakaapekto ako sa buhay nila, at sa mga ilang araw, nakasama ako sa mundo nila, at nakaapekto sila sa aking pagkatao at prinsipyo bilang isang guro.

Minsang nakikinig kami ng radyo, tumugtog ang "Superstar" ni Jamelia. "Sir, para sa inyo po yang song na yan". Napangiti ako, sa buhay ng usang ordinaryong bata, isa akong Superstar. Bago ako umalis, minsan nasabi ko sa kanila, pagbalik ko sama-sama ulit tayo tapos nightlife tayo, siguro sa panahon na yun legal na kayong umuwi ng madaling-araw.

Isang araw bago ako umalis, sabay-sabay silang nagpaalam sa akin. Sabi ko babalik pa ako at magkikita pa tayo.

Madalas ang palitan ng mga emails at messages. Pagkatapos nun, patuloy sya sa pag-aaral nya, ako sa pagtuturo kaya dumalang ang balitaan.

Nagulat na lang ako ng marinig ko ang isang balita kahapon. Wala na si Vicky. Inatake ng hika noong Linggo pagkatapos magtraining ng volleyball. Inalok ng kasama sa bahay na dalhin sa hospital ngunit sabi nya hintayin nya muna ang nanay nya, pagkadating ng nag-aalalang ina nagpaalam sya na pupuntang CR bago umalis at pagkalabas ng pasilyas nasabi na lang nya na "Ma, hindi ko na kaya" pagkatapos ay hinimatay. Dead on arrival ang sabi sa ospital. Naalala ko ang mga ilang huling araw na magkakasama kami ni Vicky at nang kanyang mga kaibigan. Hindi ko akalaing na ganun lang kabilis ang mga pangyayari. Masasayang alaala at masiglang Vicky ang aking naaalala, hindi ako makapaniwala.

Ordinaryong estudyante, nabansagang delingkwente ngunit sa huli'y may mga bagay pala silang mga estudyante ang magtuturo sa estudyante ng ilang bagay.

Ang pangakong muling pagkikita, itutuloy ko pa rin. Kasama ng ilang mga kaibigan, kahit wala na si Vicky. Alam ko kahit na hindi namin sya kasama, daladala na rin namin ang kanyang alaala at masasabi naming nandyan lang sya, katulad ng madalas nyang gingawa, nanonood, nakikinig at nakikitawa sa mga kwentuhan.

Hindi ko makakalimutan kung papapanong ang isang ordinaryong estudyante ang makakapagturo sa isang guro na katulad ko kung pano makatagal sa pagtahak na daan ng buhay. Nagiba ka man ng daan, nawala sa aming tabi, balang-araw magkakasama din ulit tayo. Hindi ka man namin kapiling alam namin na masaya ka.

Salamat at paalam...

Thursday, June 15, 2006

First Year of Teaching in Thailand

Lakas-loob kong pinasok ang mundo ng pagtuturo sa Thailand. Sa isip-isip ko, hindi naman siguro mahirap, katulad din naman to ng ginagawa ko sa Pilipinas. Pagkatapos ng 2 linggo paghihintay ng tawag sa mga sinubukan pasukan na trabaho sa internet, sinubukan kong mag-apply ng personal. Sinubukang tahakin ang mga kalsadang bago sa paningin, hindi natakot na baka hindi na makabalik sa bahay. Pag may nadaanang paaralan, susubukan. Papipirmahin ka ng application form at sasabihinh tatawagan na lang sila. Unang araw, mahirap maghanap 2 school lang ang nakita ko. Ikalawang araw, pareho ng kapalaran.

Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag, interview daw sa isang school malayu-layo sa tirahan ko. Sige, subukan na natin. Sa interview, napansin kong parang hindi Thai ang nagiinterview sa akin, iba kasi ang accent nya sa pagsasalita. Sa Pilipinas, teacher ako ng high school, sa school na yun, Grade 2 lang ang bakante. Tinanong ako kung kaya ko ba daw, sabi ko sa sarili ko, high school nga kinaya ko, primary pa kaya. Umoo ako, kasabay ang sabing tatawagan na lang daw ulit nila ako. Pagkauwi, nagbasa ako ng email ko, nagreply ang isa sa mga inaaplyan ko sa internet, mas malaki nag kauinti ang alok kaya lang probinsya, pero tinawagan ko at sinabing pupunta ako kinabukasan. Kinaumagahan, nakatanggap ulit ako ng tawag, sa school na naginterview sa akin at pinababalik ako sa school. Nasabi ko nung una na hindi ako makakapunta, bumanat ang kaibigan ko, "loko, pinababalik ka na ibig sabihin tatanggapin ka na". Pagkarinig ng mga salitang yun, binawi ko kaagad at sinabing darating ako matapos ang tanghalian. Nung araw lang na iyon ko lang natitigan ang pangalan ng school: INTERKIDS BILINGUAL SCHOOL. Bilingual, mahusay na siguro sa English ang mga bata rito. Nakausap ko ang may-ari ng school kasama ang naginterview sa akin at ang magiging bossing ko. Umoo sa alok na sweldo, kaunting orientation, kahit alam na magkakaroon ng kaunting problema, tinanggap nila ako, bukas na ang start ko. Halos di ako makatulog sa gabi, marahil sa kaba at excitement ang magkasabay na ibinubulalas ng dibdib ko.

June 15, 2005
Madali lang to sabi ko. First period, sa kabilang section (hindi ko Homeroom class) , aba, ok pala eh, madali lang talaga. Second period (Homeroom class ko). Good morning class. Deadma ako sa pansitan. Good morning class, may isang batang sumigaw sa Thai, nagsitahimik at tumayo lahat. Gooood moooorniiiiiiing Teeeaaaaacheeeer. Pakilala, hindi pa rin ako pinapansin. Inisip ko mga bata, kailangan di ako magpakita ng terror teacher image. Nagdidiscuss ako ng lesson, may nagliliparang papel, may mga batang nagre-wrestling sa likod, may nakikinig, may nakatingin pero di ko maintindihan kung maniintindihan ako. Sinubukan kong magtanong sa isang bata, tinitigan lang ako. Tinanong ko, "Do you understand me?", patuloy sya sa pagtitig. Nagpatuloy ito sa mga sumunod na periods at palala ng palala ang sitwasyon. Natapos ang araw, umuwi ako, kinausap ang kaibigan, umiiyak, ayoko ng pumasok bukas. Natulog ako, buo na ang desisyon ko. Nagising ako kinabukasan, nagsimulang magulo ang utak ko, at nagiisip na kung aayaw ako, may makukuha pa kaya akong trabaho at hindi ba mangyayari sa akin ang nangyari kahapon. Nagdasal ako, nagisip, sige pasok ulit ako. Kinabukasan, parehong sitwasyon, hindi na pwedeng maulit ang nangyari kahapon. Nagalit ako, nagimbal ang mga bata at natapos ang araw nang matiwasay.

Saka ko lang din napansin ang mga kasama ko sa trabaho, halos lahat Pilipino, nanggaling sa iba't-ibang parte ng Pilipinas. From Aparri to Jolo. Napag-isip-isip ko na kung gano kalaki ang mundo noong nasa Pilipinas kami ay syang kinaliit naman nya't nagkasama-sama kami. Nagsimulang gumanda ang unang magulong unang araw ko sa IBS. Naging maayos ang trabaho kasama ang mga kababayan. Naalala ko tuloy yung sinabi ng isang kasama ko sa school noon. Mas gugustuhin ko na maliit man ang sahod ko, at least maayos naman ang trabaho ko at pakikisama ko sa mga katrabaho ko kaysa naman malaki naman ang sahod mo kaya lang di ka naman komportable makatrabaho ang mga kasama mo. May tama sya! Maayos ang trabaho ko at maluwag ang loob ko dahil maayos ang pakikisama ko sa mga katrabaho ko. Masaya na ako don.

Kaya lang ang buhay parang gulong, naging maayos ang sumunod na buwan hanggang sa ilang buwan bago matapos ang taon, minsan akong nasubukan ng kapalaran kung karapat-dapat ako sa propesyong pinili ko. Kumalat ang mga balita tungkol sa akin, sa aking pagtuturo, sa pakikitungo ko sa aking mga estudyante, mga paninira. Ilang linggo din akong umiiyak sa gabi at pinapanalangin na kung aalisin at matatanggal din ako sa trabaho, maging maaga sana. Nakipagagutan sa kasama sa trabaho (katutubo) at napagalamang sa kanya nanggagaling ang mga kumakalat na balita na halos ikasuklam ko ng mga magulang ng aking mga estudyante. Minsan pumasok sa utak ko na napapaikot pala talaga ng pera ang mundo. Pakiramdam ng mga may pera na 'to, pag-aari na nila ang mga guro, paandarin ang pera para lang makuha lang ang gusto nila, kahit masira ang buhay ng kinaaayawan nila, kahit mawalan ako ng trabaho. Umabot sa huling buwan ng klase, nagkausap sa may-ari ng paaralan at nakaharap ang mga magulang. Hindi ko alam kung bakit ngunit nakuha ko ang tiwala ng may-ari ng IBS. Kinampihan nya ako. Naawa ako sa kanya dahil sumunod na taon kalahati ng mga bata ang sa antas na yun ang umalis ng paaralan at nabalitaang magkakasamang lumipat nang isang paaralan kasama ang gurong katutubo. Muli, kasama ng panalangin pinatunayan sa akin ng Diyos na mali ang akala mo, hindi pera ang magpapakilala sa yo sa mundo, kundi ang sarili mo mismo, ang magandang pakikitungo mo sa kapwa mo at pagkukumbaba. Nalipat ako sa ibang branch ng paaralan (IBS 3), kasama ang pangakong gagawin ko ang lahat para makabawi sa kamalasang dinala ko. Sa tulong ng mga kaibigan, unti-unti akong lumaban, tinulungan ako isipin na di ko kasalanan ang mga nangyari. Ngayon nagsisimula akong bumawi.

Ngayon, nasa bagong kapaligiran, bagong antas na tinuturuan at bagong responibilidad na dapat gampanan. Mas mabigat kaysa sa nakaraang taon, susuko ba ako o hararapin ko ng buong tapang ang mga challenges na to?

Isang taon, masasabi kong di rin naging mganda ang performance ko, kasama ang mga di naiwasang pangyayari ngunit salamat sa tiwala ng mga kaibigan at ng mga bisor. Pinapangako ko sa inyo, hindi ko kayo bibiguin. Isang pagkakataon para sa sarili ko na di dapat sayangin.

Monday, May 29, 2006

Nagbibilang ng Taon...

Eksakto isang taon, sa ganitong oras, nakasakay ako sa van. Maraming tao ang kumakausap sa akin pero lutang ang utak ko. Kaba, takot, kalungkutan, pagkasabik at kaunting kaligayahan...naisip ko wala na akong magagawa, sa totoo lang, meron pa, pero pinili kong hindi lumingon pabalik. Naghihintay sa akin ang bagong buhay, kapalarang dapat tuparin at pangarap na dapat abutin. Walang dahilan para sumuko.

Maraming problema ang aking kinaharap sa airport. Baggage check na isa-isang tatanungin kung para saan ang dala mo. Sa immigration check ko lang naalala ang pinakamahalagang bagay na nakalimutan ko bago ako umalis ng bahay; ang address na aking tutuluyan sa Thailand. Ilang minutong tanungan, bilangan ng pera at pagpapaschedule ng tiket papalik. Ang pang3buwan na tiket bago bumalik, naging pang 1 linggo. Gusto kong nang sumuko, na isa itong senyales na hindi magiging maganda ang buhay mo. Ngunit pinili ko pa ring harapin ito.

Pagpapaalam... ang pinakamasaklap sa lahat. Gusto ko mang itanim sa isip ko na pansamantala lang ang pagkawalang ito, na pagkatapos ng ilang buwan o taon, muli akong babalik ngunit makita ang lungkot sa mga mata ng pamilya ko, nag-umpugan ang langit ang lupa, naiipit ako sa gitna. Subalit pinakita ko sa lahat na, maging maayos ang lahat, na wala silang dapat intindihin.

Sa paglipad ng eroplano, sa tabi ng bintana, nakikita ko kung pano lumiliit ang mundong dating kinagagalawan ko, unti-unting natutunaw, lumalabo, nawawala. Naluha ako. Matapos ang ilang oras, bagong tanawin ang aking nakita sa tabi ng bintana, liwanag na mas maliwanag sa Maynila, mas malawak na lupain. May saya at sabik sa puso ko, nakikita ko na ang magiging bgong buhay ko.

Bumaba ng eroplano, kinuha ang kamuntikang mawalang bagahe, sinalubong ang naghihintay na kaibigan, umuwi sa bagong tahanan at nagpahinga kasama ang tinig sa aking utak na "Harapin mo ang bagong buhay at pangarap na naghihintay sa'yo."

Kinabukasan, sa pagaayos ng gamit ko, nalaman kong nawawala ang passport ko. Kasabay nito ang takot at malaking pagkabahala. Nasa malayong lugar ako ng walang pangalan.

Kasabay na pangarap ang takot, kasama ang lungkot, ilang gabi sa ilang buwan napapaiyak ako. Parang gusto ko nang umuwi, ngunit pano. Iniisip ko na lang noon na un ang dahilan kaya siguro nawala ang passport at tiket ko, napauwi na lang akong bigla. Sa loob ng 22 taon ng buhay ko, kasama ko ang pamilya ko, walang panahon na nawala ako sa puder ng mg magulang ko, minsan sa aking kabataan, nagbakasyon ako sa probinsya at pagkatapos ng ilang araw, muli akong pinasundo ng aking ina dahil sa lungkot at pagaalala. Kaya sa unang linggo na hindi ko sila kasama, parang gusto kong tumawin ng lupa at iluwa sa Caloocan.

Matapos ang ilang araw nakahanap ng mapagkukuhanan ng pera. Kasabay na rin nito ang pagiging manhid na ng utak ko sa problema ko. Minsan naging pabaya ako, sa kadahilanang mapalitan ang pagkalungkot, namasyal ako sa ilang lugar. Kasama ang ilang tao, gumastos ng ilang halaga sa maraming pagkakataon. Hindi inalintana ang takot na mahuli, ikulong at pabalikin sa Pilipinas. Ilang buwan din na minsan nakalimot ako sa totoong silbi ko sa mundo, sa pamilya ko. Hanggang sa pagdating ng isang kaibigan, unti-unti nyang pinakita sa akin ang mundo, kung saan ako pwede dalhin ng mga pangarap ko, mas malayo pa sa mga napuntahan ko. Unti-unting nagkaroon ng liwanag ang buhay ko at lakas ng loob upang lutasin ang problema ko. Sa ilang linggo, naging gabay ko ang taong ito, hanggang sa sya naman ang umalis, para abutin ang kanyang pangarap.

Minsan din na nagkamali ako ng pinili ng taong sasamahan. Sabi ng mama ko, problema ko na raw un noong bata pa ako. Naging mapagbigay daw ako sa kaibigan na wala nang naiiwan sa sarili ko, at kapag nawala sila, lugmok na ang mundo ko. Napagisip-isip ko ang mga bagay na yun. Katulad ng nangyari sa akin, ngunit ang pagkakaiba hindi ko piniling malugmok ang mundo ko. Lumaban ako. Pinakita ko na hindi ilang taong di karapat-dapat ang sisira sa mga pangarap ko. Tumayo ako at muling lumaban karamay ang mga tunay na taong nagmamalasakit. Harapan nila akong dinadagukan sa mga pagkakamali, iuntog sa pader para matauhan sa ilang pagkakataon na nawawala ako sa sarili at kasamang nakikisaya sa mga bagay na aking naabot.
Hindi sila nagbubulagbulagan sa totoong kulay ng mundo. Matapang nilang inaakyat ang bundok ng kanilang pangarap kahit may ilang hinahawakan sila sa paa at pilit na hinahatak pababa. Hindi nila sinisipa ang humila, bagkus sa sariling lakas hinahatak nila ang kanilang katawan pataas. Ngayon, kasama nila akong inaakyat ang bundok ng pangarap, tinuruang wag humawak sa ibang paa para umangat at wag sipain ang mga humahatak pababa. Kasabay ang gabay ng malayong kaibigan, inspirasyon ng pamilya't kaibigan at ang mapagpalang-gabay ng Maykapal.

Ngayon, napalitan ang nawalang passport, nakuha ng bagong bisa, nagkaroon ng magandang trabaho at nilalakad ang mga papeles para sa permiso na makapagtrabaho, nagiging kasingliwanag na ng araw ang pag-asang maabot ang mga pangarap ko.

Isang taon ang lumipas, at matapos ang ilang buwan, muli kong naramdaman ang aking nadama noong nakaraang taon. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang mga pangyayaring yaon pero ngayon mas malakas na ang lakas na loob na harapin ang mga pangarap ko. Magbilang man ako ng ilan pang taon, alam ko magiging maliwanag ang lahat. Naging mas matapang ako na harapin ang lahat ng bagay mag-isa, kasama ko naman ang mga nagmamalasakit na kaibigan, ang inspirasyon ng pamilya, ang walang humpay na pagmamalasakit at gabay ng isang malayong kaibigan at ang walang kaduda-dudang kapangyarihan ng panalangin, alam ko may nakikinig sa akin. Handa akong magbilang pa ng taon.

Tuesday, April 18, 2006

At Home!!!

(I wrote this blog last December 30, 2005 in my Friendster blog.)

It's the season to be jolly (pra la la la la, la la , la la), time for you to spend more quality time with your family, to show how you love them. Pero ako, I don't have the opportunity kasi malayo ako sa kanila. At least, by emails or phone calls, nakakausap ko sila.
Buti na lang, I have families here na nagpapasaya sa malungkot at malamig na pasko ko (drama....)

Family Number One: Klongtan Family



Members:Jeanny, Ate Marife, Fritz, Francis, Bryan, Ate Pinay, Kuya Reggie, Ate Cheng, Banne

Sila ang unang umalalay sa kin nung bagong dating ako dito. The one that makes me feel happy kapag nahohomesick ako and nagpapalakas ng loob ko kapag nawawalan na ko ng lakas ng loob para makahanap ng trabaho o tumuloy sa trabaho nung mga first days ko sa school.
Kaya lang everybody must move on kaya nagkahiwahiwalay na nag lugar, may lumipat ng bahay at meron ding umuwi na ng Pinas, pero bumabalik pa rin ako sa Klongtan if I have time and actually, sa kanila aka nang-spent ng aking Pasko.


Family Number Two: Carrefour and Sansabai Girls

Members: Abigail, Joy, Caryl, Helen, Cynthia, Judith, Agnes, Joanne CG, Iche, Judith, Shayne, Joanne SG, Grace, Mishel, and Richelle

Sila ang mga kasama ko sa trabaho, and mga kapitbahay. We are working in one school name but in different branches. Ang Carrefour Girls ang mga kasama ko sa bahay ngayon. Sila ang sumalo sa akin nang minsang binitiwan na ako ng pagkakataong mahanap ang mapayapang pamumuhay dito sa Bangkok. Sa pagsalong yun, kasama na rin ang mga pangaral sa buhay na ang saya ay hindi mo makikita sa ibang tao, hanapin mo ito sa pinakasentro ng puso mo. Naging masinop ako sa dating maluhong buhay y natutuong makuntento sa mga simpleang bagay. Sila ang nagpatatag ng loob ko na harapin ang mundo ng nakataas noo kahit na ang masayang mundong inaakala ko ay nakayukong tumitingin sa'kin. Sila ang second chance ko na hanapin ang magagandang bagay at tuklasin ang ganda ng buhay ng walang hinihinging kapalit. Sila ang nagpatunay sa kahulugan ng tunay na kaibigan.

I'm very grateful that I met this type of persons, bihira ang mga species ng ganitong uri ng tao, siguro dahil alam namin na pare-pareho kaming malayo sa aming tunay na tahanan at wala nang ibang magtutulungan kundi kami-kami ring mga Filipinos dito. Tinuruan nila ako na hindi magiging madali ang mga bagay dito pero kailangan tatagan ang loob para maappreciate mo lahat ng maaachieve mo at hindi magmata sa sandaling naging maganda ang disposisyon mo ngayon.

Salamat sa inyo guys!

Tuesday, March 28, 2006

Mga Kwento nang Pag-ibig

Karugtong na sa buhay ng tao ang pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig. Ang pagkwento sa mga karanasang pang-Maalaala mo Kaya. May malungkot, happy-ending, adventure, minsan may horror pa. ilan ito sa ilang kwentong tumatak sa isip po galing sa mga taong aking nakasalimuha.

Mahal nila ang isa't-isa, handa na silang harapin ang buhay na sabay nilang uusungin ang maalon na takbo ng buhay, plano na ang kanilang kasal. Isang gabing nagaway sila, umuwi ang lalaki na may bigat sa kalooban at ang babae na may luha sa mata. Sa pagsikat nang araw nang sumunod na araw, kasama sa paggising ng babae ang balitang aksidente ng lalaki. Hindi nakadalaw ang babae sa ospital, isang beses na pinilit nyang kausapin ang lalaki sa telepono, inaalala ang nakaraan, pagpapatawad sa mga kasalanan at muling pagtanggap sa isat-isa. Pagkatapos ng pag-uusap, ay ang huling hiningang binigay ng lalaki para sa babae. Ngayon, kakambal na sa alaala ng babae ang alaala ng kanyang mahal kahit sa pagsuong nya sa buhay sa ibang bansa. Ginamit nyang inspirasyon ang malungkot na alaala ng pag-ibig.


Sampung taon ding tumagal ang kanilang pag-ibig. Marami nga sa kanilang kaibigan ang nagsasabing sila na talaga ang para sa isa't-isa. Nang dahil sa kahirapan sa buhay, kahit masakit sa loob ng isa't-isa ay pinili ng babae ng lumipad at hanapin ang kapalaran sa ibang bansa. Malungkot ang naging pagpapaalam nila sa isat'sa. Patuloy ang kanilang komunikasyon, palitan nang mga sulat at makuntento sa maliit na oras na muling iparamdam sa isa't-isa ang kanilang pagmamahalan. Inspirasyon ng babae ang kanilang alaala sa araw-araw na pagsusumikap sa ibang bansa. Pagkatapos ng 3 buwan, muling bumalik ang babae sa Pilipinas, sa kanilang probinsya. Pasalubong sa kanya ang balitang may ibang kasintahan na ang lalaki at nasa Maynila. Kasabay rin nito ang pagtunaw ng manipis na hibla ng komunikasyon ng dalawa. Pagkatapos ng ilang buwan, muling nagplano ang babae na pumunta sa ibang bansa, sa aitport muli silang nagkita. Bago sumakay ng eroplano ang babae, muling nagkausap ang dalawa, nagkapatawaran at sa huling pagkakataon ay higpit-yakap nilang tinanggap ang mga pangyayari sa kanilang buhay, ang pag-amin sa kanilang sarili na magkahiwalay na nilang hanapin ang kanilang kapalaran.


Mga kwentong pag-ibig, sa huli, ang alaala at pagpapatawad ang naging daan na kahit malungkot ang katapusan, pag-ibig ang nagturo sa bawat isa sa kanila na patuloy ang buhay at walang katapusan ang paghahanap ng bawat isa sa atin sa tunay at wagas na pag-ibig